Sunday, June 24, 2018

HAPI TOT # 23 How to Overcome Midlife Crisis

Sa panahong ito ng buhay ko nasa midlife crisis ako. Di maganda ang stage na ito, ang hirap humanap ng bagay na paghuhugutan ko ng positive vibes. Dumadalas ang kalungkutan at madalas mainit ang ulo ko. Para bang walang kakulay - kulay ang buhay ko. Pero wala akong balak na tumambay sa ganitong phase .... sa ngayon ganito ang  kalagayan ko pero kaya ko ito. Malalampasan ko ito. May nabasa akong article tungkol sa kung paano maovercome ito, ipost ko sa ibaba.
I will overcome this! :)

https://liveboldandbloom.com/02/passion-in-life/midlife-crisis-symptoms-lead-to-passion


Tuesday, February 6, 2018

HAPI TOT # 22

Minsan may mga panahon na parang wala akong makitang paghuhugutan ng saya. Katulad ngayon .... hindi ko alam kung anong hapi tot ang maari kong ibahagi na magsasabing may saya pa rin kahit na parang nababalutan ng malungkot na ulap ang araw ko. Naalala ko tuloy kapag madilim na ang gabi, tahimik na ang kapaligiran at nakakakita ako ng alitaptap noong maliit pa ako kahit hanggang ngayon ....may mahika akong nararamdaman ... yung napapawow ako lalo na kug marami sila. Napakagandang panoorin ang patay sindi nilang pailaw parang christmas lights. Napapangiti ako ..... amazing! Nagdudulot sakin ito ng kapayapaan .... para bang sinasabing kahit sa kadiliman mayroon pa rin magsisilbing ilaw para tanglawan ang kadilimang parang walang katapusan..........

  

Saturday, January 6, 2018

HAPI TOT # 21 A BOUNTUFL and JOY FILLED NEW YEAR 2018


Magandang araw! Sa unang araw ng 2018, ako ay pumunta kasama ng aking pamilya sa tahanan ng aming Tiya Ye at Tiyo Turing. Masaya naming ipingdiwang ang unang araw ng taon. Kainan, kwentuhan, kantahan, biruan. Nagpapasalamat ako sa Panginoon sa biyaya ng aking pamilya.




Hapi Tot # 24 Problema o Challenge?

Magandang araw! Ang tagal ko na namang di nakapagsulat sa aking blog. Ano na ba ang ginagawa ko ngayon? Una sa lahat nagresign na ako sa tra...