Tagal ko ring di nakasulat sa blog kong ito. Di ko nga alam kung may nagbabasa ba nito maliban sa akin. Kaya matagal akong absent eh, daming trabaho at wala naman akong maisip na isulat. Katulad ngayon type lang ako ng type hinahayaan ko lang dalhin ng tinatamad kong isip ang mga daliri ko sa mga letra ng keyboard na ito. Tungkol ba saan ang isusulat ko? Isip ..... isip ... isip .... isip .... ay naku wala lang talaga! Teka sandali (ting!) may ideyang pumasok sa naiidlip kong utak ..... WALA LANG...mga salitang madalas kong nadidinig at ginagamit rin. Saan ba galing ang salitang ito, di ko rin alam .... Karaniwang sinsambit pag di mo alam kung ano ang iyong isasagot o kaya'y tinatamad mag - isip. Wala lang sagot sa isang tanong na maaaring iniiwasang sagutin. Wala lang kapag ayaw mong magpaliwanag .... wala lang pinakamabilis na sagot sabay kibit balikat at magpacute ;b.
Si Peter Pan pala ay kailangan mag-isip ng "happy thoughts" para makalipad kaya nawari ko sige magsulat nga ko ng mga "happy thoughts" ko para makalipad din ako ... he he he :)
Thursday, December 15, 2016
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Hapi Tot # 24 Problema o Challenge?
Magandang araw! Ang tagal ko na namang di nakapagsulat sa aking blog. Ano na ba ang ginagawa ko ngayon? Una sa lahat nagresign na ako sa tra...
-
Tagal ko ring di nakasulat sa blog kong ito. Di ko nga alam kung may nagbabasa ba nito maliban sa akin. Kaya matagal akong absent eh, daming...
-
Ang pinakamamahal kong kapatid .... :) Ang kapatid kong babae ang masasabi kong payaso ...
-
Ola! Magandang araw :) Maaga ang naging bakasyon namin ngayon sa paaralang aking pinagtuturuan, nabigyan kami ng pagkakataong makapagretreat...
No comments:
Post a Comment