Thursday, June 13, 2019

Hapi Tot # 24 Problema o Challenge?

Magandang araw! Ang tagal ko na namang di nakapagsulat sa aking blog. Ano na ba ang ginagawa ko ngayon? Una sa lahat nagresign na ako sa trabaho. Pagkatapos noon nagbakasyon muna ako. Nagpahinga, ngayon sisimulan ko na ang pagsusulat ko sa aking blog at yung iba pang naka line na proyektong nais kong gawin. Kailangan ko rin ang makapagtayo ng kukunan ko ng pinansiyal na pansuporta sa aking sarili at kapatid. Yung bahaging pinansiyal ang kailangan ko munang bigyan ng pokus dahil nga sa pinili kong maging malaya sa isang tinatawag na 9 to 5 job. Nandito pa rin siyempre ang mga bills na kailangan bayaran, mga basic needs na kailangang tugunan. Dati ang tingin ko sa mga ito ay problema at ako ay parang ipinanganak para magbayad ng isang damukal na bills at wala ng iba. Nakakalungkot isipin kapag binabalikan ko ang mentalidad kong ito noon. Subalit ngayon pagkatapos kong magnilay - nilay nitong mga nakalipas na buwan at sa tulong na rin ng aking pagbabasa, panonood ng mga motivational videos, napagtanto ko na tingnan ang tinatawag kong problema noon sa ibang perspective. Sa halip ay tingnan ko ang mga ito bilang challenges. Isa lamang ang ibig sabihin ng problem at challenge di ba? Oo totoo yon subalit nag - iiba ito depende sa tumitingin. Para sa isang optimist ang problema ay mga challenges na dapat harapin mo ng may tapang at pagtitiwalang ito ay iyong mapagtatagumpayan at makakatulong sa paglago mo biglang tao. Sa isang pessimist ang problema ay isang  bagay na pinagmumulan ng hirap, pag - aalala at dusa. Ang paraan ng pagtingin natin sa isang sitwasyong nagaganap sa ating buhay ay makakaapekto sa kalidad ng ating buhay. Kung ikaw ay titingin gamit ang mga mata ng isang optimist mas makikita mo ang ibat ibang paraan ng pagharap sa sitwasyon na may kasamang pag - asa at positibong pananaw, kadalasang dito natin nagagamit ang ating pagiging malikhain sa pagharap sa challenges sa ating buhay. Kung mata ng pessimist ang gagamitin kabaliktaran ang mangyayari at puro nega ang maghahari. Ang bawat challenge na mapagtagumpayan, may aral at magandang pagbabagong magaganap sa iyong buhay. So ano ngayon? Problem ba o challenge?

No comments:

Post a Comment

Hapi Tot # 24 Problema o Challenge?

Magandang araw! Ang tagal ko na namang di nakapagsulat sa aking blog. Ano na ba ang ginagawa ko ngayon? Una sa lahat nagresign na ako sa tra...