Pagninilay sa Buhay - buhay :)
Si Peter Pan pala ay kailangan mag-isip ng "happy thoughts" para makalipad kaya nawari ko sige magsulat nga ko ng mga "happy thoughts" ko para makalipad din ako ... he he he :)
Thursday, June 13, 2019
Hapi Tot # 24 Problema o Challenge?
Magandang araw! Ang tagal ko na namang di nakapagsulat sa aking blog. Ano na ba ang ginagawa ko ngayon? Una sa lahat nagresign na ako sa trabaho. Pagkatapos noon nagbakasyon muna ako. Nagpahinga, ngayon sisimulan ko na ang pagsusulat ko sa aking blog at yung iba pang naka line na proyektong nais kong gawin. Kailangan ko rin ang makapagtayo ng kukunan ko ng pinansiyal na pansuporta sa aking sarili at kapatid. Yung bahaging pinansiyal ang kailangan ko munang bigyan ng pokus dahil nga sa pinili kong maging malaya sa isang tinatawag na 9 to 5 job. Nandito pa rin siyempre ang mga bills na kailangan bayaran, mga basic needs na kailangang tugunan. Dati ang tingin ko sa mga ito ay problema at ako ay parang ipinanganak para magbayad ng isang damukal na bills at wala ng iba. Nakakalungkot isipin kapag binabalikan ko ang mentalidad kong ito noon. Subalit ngayon pagkatapos kong magnilay - nilay nitong mga nakalipas na buwan at sa tulong na rin ng aking pagbabasa, panonood ng mga motivational videos, napagtanto ko na tingnan ang tinatawag kong problema noon sa ibang perspective. Sa halip ay tingnan ko ang mga ito bilang challenges. Isa lamang ang ibig sabihin ng problem at challenge di ba? Oo totoo yon subalit nag - iiba ito depende sa tumitingin. Para sa isang optimist ang problema ay mga challenges na dapat harapin mo ng may tapang at pagtitiwalang ito ay iyong mapagtatagumpayan at makakatulong sa paglago mo biglang tao. Sa isang pessimist ang problema ay isang bagay na pinagmumulan ng hirap, pag - aalala at dusa. Ang paraan ng pagtingin natin sa isang sitwasyong nagaganap sa ating buhay ay makakaapekto sa kalidad ng ating buhay. Kung ikaw ay titingin gamit ang mga mata ng isang optimist mas makikita mo ang ibat ibang paraan ng pagharap sa sitwasyon na may kasamang pag - asa at positibong pananaw, kadalasang dito natin nagagamit ang ating pagiging malikhain sa pagharap sa challenges sa ating buhay. Kung mata ng pessimist ang gagamitin kabaliktaran ang mangyayari at puro nega ang maghahari. Ang bawat challenge na mapagtagumpayan, may aral at magandang pagbabagong magaganap sa iyong buhay. So ano ngayon? Problem ba o challenge?
Sunday, June 24, 2018
HAPI TOT # 23 How to Overcome Midlife Crisis
Sa panahong ito ng buhay ko nasa midlife crisis ako. Di maganda ang stage na ito, ang hirap humanap ng bagay na paghuhugutan ko ng positive vibes. Dumadalas ang kalungkutan at madalas mainit ang ulo ko. Para bang walang kakulay - kulay ang buhay ko. Pero wala akong balak na tumambay sa ganitong phase .... sa ngayon ganito ang kalagayan ko pero kaya ko ito. Malalampasan ko ito. May nabasa akong article tungkol sa kung paano maovercome ito, ipost ko sa ibaba.
I will overcome this! :)
https://liveboldandbloom.com/02/passion-in-life/midlife-crisis-symptoms-lead-to-passion
I will overcome this! :)
https://liveboldandbloom.com/02/passion-in-life/midlife-crisis-symptoms-lead-to-passion
Tuesday, February 6, 2018
HAPI TOT # 22
Minsan may mga panahon na parang wala akong makitang paghuhugutan ng saya. Katulad ngayon .... hindi ko alam kung anong hapi tot ang maari kong ibahagi na magsasabing may saya pa rin kahit na parang nababalutan ng malungkot na ulap ang araw ko. Naalala ko tuloy kapag madilim na ang gabi, tahimik na ang kapaligiran at nakakakita ako ng alitaptap noong maliit pa ako kahit hanggang ngayon ....may mahika akong nararamdaman ... yung napapawow ako lalo na kug marami sila. Napakagandang panoorin ang patay sindi nilang pailaw parang christmas lights. Napapangiti ako ..... amazing! Nagdudulot sakin ito ng kapayapaan .... para bang sinasabing kahit sa kadiliman mayroon pa rin magsisilbing ilaw para tanglawan ang kadilimang parang walang katapusan..........
Saturday, January 6, 2018
HAPI TOT # 21 A BOUNTUFL and JOY FILLED NEW YEAR 2018
Monday, November 13, 2017
HAPI TOT # 20 :)
Sa mga nakalipas na araw, ako ay nakapag - isip isip, nakapagmunimuni. Napagdesisyunan ko na umalis o mag - resign na sa aking pinagtatrabahuhan at yakapin ang pagbabago na nais ko. Unti - unti kong nararamdaman ang muling pagbabalik ng aking interes sa mga dati kong mga ginagawa patungkol sa sining. Nais kong gawin ang mga bagay na nagdudulot sakin ng kaligayahan at iyan ay ang sining at ang paglikha.
Thursday, November 9, 2017
Hapi Tot # 19 May bukas pa . . . . . di pa huli ang lahat
Lungkot ang nadarama ko ngayon. Ngunit, sa katahimikan ko pinili na itago ito. Panghihinayang sa mga panahong ginugol ko sa isang propesyong di ko naman gusto. Sana may ginawa ako noon, noong ako ay nasa kabataan ko pa. Limangpu't isang taon na ako ngayon at madaragdagan na naman ang edad sa susunod na taon. Paano ko pa ba maibabalik ang panahon? Hindi, alam ko yon. Kalahati ng buhay ko ang nalustaw sa isang gawaing di ko minahal. Kailngan ko lang gawin para sa pamilya. Ngayon ang uban sa ulo ko ay parami ng parami, tumitindi ang panghihinayang sa panahong nawala sa akin. Ano pa ba ang naghihintay sa isang katulad ko na muling may matinding kawalang pinagdadaanan. Kawalang unti - unting lumulukob sa aking katauhan. Dapat na ba akong sumuko? iwagayway ang bandila ng pagkatalo o magpatuloy pa rin na umaasa na may bukas pa ..... isang bukas na punong puno ng pag - asa at magandang opurtunidad. May maliit na tinig na nagmumula sa aking katauhan na nagsasabing di pa huli ang lahat. Huwag kang bibitiw .... nakakatakot man ang nais mong gawin ang umiba ng daan ..... ang sumubok na walang katiyakan .... ang mahalaga ay nagtiwala ka na ang pagbabagong ito ay magdadala ng tunay na kasiyahan sa iyong buhay.
Monday, October 30, 2017
Hapi tot # 18 :( :) :D
Ano ba ang gagawin kung nalulungkot ka? parang heartbroken na di mo mawari? pero sinasabi ng isip mo na .... hey wag mong tambayan yan! tapos na ang yugtong yan ng buhay mo! di na kailangang balikan! Move on na ng bonggang bongga!
Let it go!
Subscribe to:
Posts (Atom)
Hapi Tot # 24 Problema o Challenge?
Magandang araw! Ang tagal ko na namang di nakapagsulat sa aking blog. Ano na ba ang ginagawa ko ngayon? Una sa lahat nagresign na ako sa tra...
-
Tagal ko ring di nakasulat sa blog kong ito. Di ko nga alam kung may nagbabasa ba nito maliban sa akin. Kaya matagal akong absent eh, daming...
-
Ang pinakamamahal kong kapatid .... :) Ang kapatid kong babae ang masasabi kong payaso ...
-
Ola! Magandang araw :) Maaga ang naging bakasyon namin ngayon sa paaralang aking pinagtuturuan, nabigyan kami ng pagkakataong makapagretreat...