Thursday, November 9, 2017

Hapi Tot # 19 May bukas pa . . . . . di pa huli ang lahat


Lungkot ang nadarama  ko ngayon. Ngunit, sa katahimikan ko pinili na itago ito. Panghihinayang sa mga panahong ginugol ko sa isang propesyong di ko naman gusto. Sana may ginawa ako noon, noong ako ay nasa kabataan ko pa. Limangpu't isang taon na ako ngayon at madaragdagan na naman ang edad sa susunod na taon. Paano ko pa ba maibabalik ang panahon? Hindi, alam ko yon. Kalahati ng buhay ko ang nalustaw sa isang gawaing di ko minahal. Kailngan ko lang gawin para sa pamilya. Ngayon ang uban sa ulo ko ay parami ng parami, tumitindi ang panghihinayang sa panahong nawala sa akin. Ano pa ba ang naghihintay sa isang katulad ko na muling may matinding kawalang pinagdadaanan. Kawalang unti - unting lumulukob sa aking katauhan. Dapat na ba akong sumuko? iwagayway ang bandila ng pagkatalo o magpatuloy pa rin na umaasa na may bukas pa ..... isang bukas na punong puno ng pag - asa at magandang opurtunidad. May maliit na tinig na nagmumula sa aking katauhan na nagsasabing di pa huli ang lahat. Huwag kang bibitiw .... nakakatakot man ang nais mong gawin ang umiba ng daan ..... ang sumubok na walang katiyakan .... ang mahalaga ay nagtiwala ka na ang pagbabagong ito ay magdadala ng tunay na kasiyahan sa iyong buhay.


No comments:

Post a Comment

Hapi Tot # 24 Problema o Challenge?

Magandang araw! Ang tagal ko na namang di nakapagsulat sa aking blog. Ano na ba ang ginagawa ko ngayon? Una sa lahat nagresign na ako sa tra...