LIVE IN JOY ! SABI NGA NI JOKER .... WHY SO SERIOUS? DON'T WORRY BE HAPPY.
BE MINDFUL,LIVE IN THE PRESENT MOMENT :D
Si Peter Pan pala ay kailangan mag-isip ng "happy thoughts" para makalipad kaya nawari ko sige magsulat nga ko ng mga "happy thoughts" ko para makalipad din ako ... he he he :)
Sunday, September 11, 2011
Friday, September 9, 2011
Hapi Tot # 12 salamat sa PAG - ASA
May mga panahong parang wala kang makitang magandang pangyayari sa buhay mo, pero kailangan mo paring maghanap ng something na positive kaya .... salamat at may salitang PAG -ASA .... HOPE. Kahit na may pinagdadaanang mahirap sa buhay nandyan yung katapusan nito at ang pag - asang bubuti rin ang lahat.
Thursday, September 8, 2011
Hapi Tot # 11 Hangin ... buti na lang libre
Musta! Tumaas na naman ang gasolina ... hayyy ... susunod koryente naman .... hayyyy.... Naisip - isp ko mabuti na lang ang hangin na hinihinga ko walang metro, isipin mo kung meron pano kung wala kang pambayad di putol supply ng hangin ... scary di ba ... buti na lang libre pa rin ang hangin. ;D
Wednesday, September 7, 2011
Hapi Tot # 10 Look at the facts not the interpretations
"The heart is just the heart; thoughts and feelings are just thoughts and feelings. Let things be just as they are! Let form be just form, let sound be just sound, let thought be just thought. Why should we bother to attach to them? If we think and feel in this way, then there is detachment and separateness. Our thoughts and feelings will be on one side and our heart will be on the other. Just like oil and water - they are in the same bottle but they are separate." Venerable Ajahn Chah (Phra Bodhiñāna Thera)
Tuesday, September 6, 2011
Hapi Tot # 9 Magrelax muna tayo :)
Isa sa mga TV series na gustung - gusto ko ay ang Criminal Minds. Hilig ko talaga ang mga crime/suspense stories. Naalala ko noong nasa grade school ako love na love ko si Nancy Drew. Enjoy na enjoy ako sa panonood ng CM at CSI. :D
Monday, September 5, 2011
Hapi Tot # 8 Creature Comfort
I just found this cool video about self image by Creature Comfort ... check it out :) yay !
Sunday, September 4, 2011
Hapi Tot # 7 Ulan :)
Salamat sa ulan dahil malamig ang panahon, may concert nga ng mga palaka dito sa bakanteng lote sa tapat ng bahay ko. Nakakatuwang isipin kahit na napapalibutan na ng mga gusali ang lugar na ito mayroon pa ring isang maliit na piraso ng lupang may mga puno at mga naninirahang palaka. Ang lakas ng kantahan nila siguro nagpapasalamat din sila sa ulan.
Saturday, September 3, 2011
Hapi Tot # 6 Smileys
Isa sa mga bagay na cute na cute ako ay mga smileys, pagnakakakita ako nito talaga namang hihinto ako at titingnan. Nagdudulot sila ng tuwa sa akin, kaya may ballpen akong may smiley, pencil case ng may disenyong smileys at mga pictures na nilalagay kong wallpaper sa deskstop. Ang cute talaga ng mga smileys.
Friday, September 2, 2011
Hapi Tot #5 Budhismo
Kamusta! ilang minuto ko na ring pinagmumunihan kung ano ang isusulat ko sa araw na ito at ang inilabas ng utak ako ang Budhismo. Malaki ang naitulong sakin ng daang ito, para sa akin hindi ito relihiyon. Ang mga turo o wisdom ng path na ito ay napakalaki ng impluwensya sa buhay ko ngayon. Naiba ang pananaw ko sa buhay, nabawasan ang takot ko sa maraming bagay at ang tinatawag na "attachment" sa tao o materyal na bagay.
Si Ajahn Bhram ang tinuturing kong gabay ko sa daang ito. Napakarami kong natutunan mula sa kanyag mga "talks". Ang lahat ng nasa ginagalawang mundo natin ay nagmula sa ating mga isip. Maari mabawasan ang mga sakit na nararamdaman sa pamamagitan ng pagbitiw sa mga bagay na pinagmumulan nito. Nasa ibaba ang isa sa talk ni Ajahn Bhram, kung may panahon ka panoorin mo. :)
Si Ajahn Bhram ang tinuturing kong gabay ko sa daang ito. Napakarami kong natutunan mula sa kanyag mga "talks". Ang lahat ng nasa ginagalawang mundo natin ay nagmula sa ating mga isip. Maari mabawasan ang mga sakit na nararamdaman sa pamamagitan ng pagbitiw sa mga bagay na pinagmumulan nito. Nasa ibaba ang isa sa talk ni Ajahn Bhram, kung may panahon ka panoorin mo. :)
Thursday, September 1, 2011
Hapi Tot # 4 itutuloy .....
Hi! Galing ako kanina sa burol ng mother in law ng isang kong kasamahan sa trabaho. May kaya sila kaya sa isang mamahaling lugar ginawa ang burol. May slideshow pa nga na ipinapakita ang mga larawan ng yumao. Nagkabiruan nga kami ng mga kasamahan ko may nagsabi gagawa na raw siya ng slideshow para sa burol niya para makapili siya ng mga magagandang pictures at maedit na niya ng maganda. Sabi naman ng isa kong kasamahan sana daw sa burol niya marami ang makaalala sa kanya. Ano ba ang hapi tot ko sa pangyayaring ito? Teka ... give me a minute to think.... lahat naman tayo ay dadating sa ganyang sitwasyon, di natin alam kung kelan, papaano, saan basta isang araw mangyayari na lang. Ang naisip ko na lang ay expected ko na yon, isa yan sa mga reyalidad ng buhay. Kaya nga sabi sa ingles "live you're life to the fullest". Sa ngayon ang ginagawa ko " I live one day at a time". Natutuhan ko na ang mahalaga ang NGAYON. Medyo bitin ito ... babalikan ko na lang. Ito na lang muna ang entry ko sa araw na ito
Subscribe to:
Posts (Atom)
Hapi Tot # 24 Problema o Challenge?
Magandang araw! Ang tagal ko na namang di nakapagsulat sa aking blog. Ano na ba ang ginagawa ko ngayon? Una sa lahat nagresign na ako sa tra...
-
Ola! Magandang araw :) Maaga ang naging bakasyon namin ngayon sa paaralang aking pinagtuturuan, nabigyan kami ng pagkakataong makapagretreat...
-
Tagal ko ring di nakasulat sa blog kong ito. Di ko nga alam kung may nagbabasa ba nito maliban sa akin. Kaya matagal akong absent eh, daming...
-
Tagal ko ring pinag - isipan kung ano ang gagawin sa blog na ito. Isasara ko na ba o pabayaan ko lang amagin. Pagkatapos ng pagdedebate nami...