Thursday, September 1, 2011

Hapi Tot # 4 itutuloy .....

Hi! Galing ako kanina sa burol ng mother in law ng isang kong kasamahan sa trabaho. May kaya sila kaya sa isang mamahaling lugar ginawa ang burol. May slideshow pa nga na ipinapakita ang mga larawan ng yumao. Nagkabiruan nga kami ng mga kasamahan ko may nagsabi gagawa na raw siya ng slideshow para sa burol niya para makapili siya ng mga magagandang pictures at maedit na niya ng maganda. Sabi naman ng isa kong kasamahan sana daw sa burol niya marami ang makaalala sa kanya. Ano ba ang hapi tot ko sa pangyayaring ito? Teka ... give me a minute to think.... lahat naman tayo ay dadating sa ganyang sitwasyon, di natin alam kung kelan, papaano, saan basta isang araw mangyayari na lang. Ang naisip ko na lang ay expected ko na yon, isa yan sa mga reyalidad ng buhay. Kaya nga sabi sa ingles "live you're life to the fullest". Sa ngayon ang ginagawa ko " I live one day at a time". Natutuhan ko na ang mahalaga ang NGAYON. Medyo bitin ito ... babalikan ko na lang. Ito na lang muna ang entry ko sa araw na ito

No comments:

Post a Comment

Hapi Tot # 24 Problema o Challenge?

Magandang araw! Ang tagal ko na namang di nakapagsulat sa aking blog. Ano na ba ang ginagawa ko ngayon? Una sa lahat nagresign na ako sa tra...