Ola! Magandang araw :) Maaga ang naging bakasyon namin ngayon sa paaralang aking pinagtuturuan, nabigyan kami ng pagkakataong makapagretreat ng halos isang linggo. Natuwa ako ng malaman kong kailangan kaming maging tahimik sa buong panahon na may session kami sa retreat. Sabi ko sa sarili ko mag-eenjoy ako dito. Sa simula pa lang ay ipinaliwanag na sa amin ang kahalagahan ng katahimikan sa aming retreat. Di naman ako nahirapang sumunod dahil hindi talaga ako masalitang tao. Kung kailangan lang saka ako nagsasalita. May mga pagkakataong kailangang magsalita o mag - usap pero pabulong lamang.
Sa aking pag - iisa sa mga oras na wala kaming session napagnilayan ko kung bakit mas gusto ko na maging tahimik... sa bahay kasi namin ay maingay .... malalakas ang boses kapag nag - uusap, may pamangking nasa edad ng kakulitan, mga situwasyong super stressful ...kaya talaga namang maingay. Mahalaga sa akin ang katahimikan dito natatagpuan ko ang kapayapaan. Mas may pokus ako kung ako'y nag - iisa. Siguro dahil nga sa ako ay introvert kaya enjoy ako sa solitude. May panahon sa buhay ko na takot akong mag - isa pero nagpapasalamat ako ngayon dahil nawala na ang takot na ito dahil sa paglalalakbay ko sa katahimikan. Di madali ang manahimik dahil dito maririnig mo ang ingay sa kaibuturan ng iyong pagkatao, maririnig mo ang mga bagay na ayaw mo. Ang pananahimik ay isang paraan para harapin ang mga ingay na ito para tuluyang mawala at mapanatag nang makamtam ang Payapang Kaisipan. Maraming salamat sa mga minamahal kong Sisters of Mount Carmel .....Salamat sa retreat ... generosity ninyo sa akin, sa aming lahat ... sa walang sawang pagtulong, paggabay at paghubog sa aming inyong mga guro. Salamat sa gift of Silence.
Si Peter Pan pala ay kailangan mag-isip ng "happy thoughts" para makalipad kaya nawari ko sige magsulat nga ko ng mga "happy thoughts" ko para makalipad din ako ... he he he :)
Monday, December 28, 2015
Hapi Tot #15 PAGPAPASALAMAT :)
Ola! sa iyong nagbabasa nito. Grabe! dami ng cobwebs ng blog page ko tagaaaallllllllllll ko kasing di nagsulat. Siya nga pala Merry Christmas! Happy New Year! Naisip kong ipagpatuloy ang pagsusulat ko sa blog na ito. Ano ba ang isusulat ko ngayon? Ano ba ang hapi tot na mashare ko? Sandali muna (pause for a while....) aha! ....PAGPAPASALAMAT..... Masasabi kong tunay na maraming blessings ang dumating sa buhay ko nitong 2015. Kaya lubos akong nagpapasalamat sa PANGINOONG DIYOS sa mga taong pinadala niya sa akin kung saan naipadama niya ang kanyang pagmamahal at presensya sa aking buhay. Sa bawat challenge na dumating may pinadala siyang tutulong para lumakas ako sa pagharap dito. Sa mga pagkakataong parang wala na ko mababalingan nandyan SIYA di NYA ko iniwan. Nahihiya nga ako dahil sa aking mga pagkukulang sa KANYA pero sa tulong din at awa NYA ito ay mapupunan ko. Maraming salamat aking PANGINOONG DIYOS sa lahat lahat ng biyayang ipinagkakaloob mo sa akin sa araw - araw.
Subscribe to:
Posts (Atom)
Hapi Tot # 24 Problema o Challenge?
Magandang araw! Ang tagal ko na namang di nakapagsulat sa aking blog. Ano na ba ang ginagawa ko ngayon? Una sa lahat nagresign na ako sa tra...
-
Tagal ko ring di nakasulat sa blog kong ito. Di ko nga alam kung may nagbabasa ba nito maliban sa akin. Kaya matagal akong absent eh, daming...
-
Ang pinakamamahal kong kapatid .... :) Ang kapatid kong babae ang masasabi kong payaso ...
-
Ola! Magandang araw :) Maaga ang naging bakasyon namin ngayon sa paaralang aking pinagtuturuan, nabigyan kami ng pagkakataong makapagretreat...