Monday, December 28, 2015

Hapi Tot # 16 Katahimikan

Ola! Magandang araw :) Maaga ang naging bakasyon namin ngayon sa paaralang aking pinagtuturuan, nabigyan kami ng pagkakataong makapagretreat ng halos isang linggo. Natuwa ako ng malaman kong kailangan kaming maging tahimik sa buong panahon na may session kami sa retreat. Sabi ko sa sarili ko mag-eenjoy ako dito. Sa simula pa lang ay ipinaliwanag na sa amin ang kahalagahan ng katahimikan sa aming retreat. Di naman ako nahirapang sumunod dahil hindi talaga ako masalitang tao. Kung kailangan lang saka ako nagsasalita. May mga pagkakataong kailangang magsalita o mag - usap pero pabulong lamang.
 Sa aking pag - iisa sa mga oras na wala kaming session napagnilayan ko kung bakit mas gusto ko na maging tahimik... sa bahay kasi namin ay maingay .... malalakas ang boses kapag nag - uusap, may pamangking nasa edad ng kakulitan, mga situwasyong super stressful ...kaya talaga namang maingay. Mahalaga sa akin ang katahimikan dito natatagpuan ko ang kapayapaan. Mas may pokus ako kung ako'y nag - iisa. Siguro dahil nga sa ako ay introvert kaya enjoy ako sa solitude. May panahon sa buhay ko na takot akong mag - isa pero nagpapasalamat ako ngayon dahil nawala na ang takot na ito dahil sa paglalalakbay ko sa katahimikan. Di madali ang manahimik dahil dito maririnig mo ang ingay sa kaibuturan ng iyong pagkatao, maririnig mo ang mga bagay na ayaw mo. Ang pananahimik ay isang paraan para harapin ang mga ingay na ito para tuluyang mawala at mapanatag nang makamtam ang Payapang Kaisipan. Maraming salamat sa mga minamahal kong Sisters of Mount Carmel .....Salamat sa retreat ... generosity ninyo sa akin, sa aming lahat ... sa walang sawang pagtulong, paggabay at paghubog sa aming inyong mga guro. Salamat sa gift of Silence.


 

No comments:

Post a Comment

Hapi Tot # 24 Problema o Challenge?

Magandang araw! Ang tagal ko na namang di nakapagsulat sa aking blog. Ano na ba ang ginagawa ko ngayon? Una sa lahat nagresign na ako sa tra...