Ola! Late na ko nakauwi siguro mga 10 minutes ago, grabe ang lakas ng ulan. Pero kahit na maulan at makulimlim ang panahon enjoy naman ako sa araw na ito. Nagtreat yung isa kong kaibigan at kasama sa trabaho pumunta kami sa mcdo at nagmeryenda syempre kwentuhan, biruan, asaran at nagbonding kami. Matagal ko ng di ginagawa ang ganoon at masarap ang pakiramdam na makasama ang mga bago kong kaibigan. Salamat mga kaibigan sa mga regalo niyong ngiti at tawanan sa araw na ito. Pagkatapos ng bonding namin masaya kaming naghiwa - hiwalay. Pumunta muna ko sa isang mall at nagpaload palabas na sana ako ng bumuhos ang napakalakas na ulan. Mabuti na lang at may payong akong dala at malaki ang payong na ito kasya ang apat na tao bigay sa akin ng isang kaibigan noong kaarawan niya. Baliktad yung may birthday ang nagregalo. Laki talaga ng pasasalamat ko sa pulang payong na bigay sakin di talaga ako nabasa. Sa araw na ito masaya ako .... salamat sa inyo mga kaibigan ko. :)
Si Peter Pan pala ay kailangan mag-isip ng "happy thoughts" para makalipad kaya nawari ko sige magsulat nga ko ng mga "happy thoughts" ko para makalipad din ako ... he he he :)
Wednesday, August 31, 2011
Monday, August 29, 2011
Hapi Tot#2 Nag - iisa subalit masaya
Magandang umaga! paggising ko kanina inisip ko agad ano kaya ang isusulat ko na positibong bagay tungkol sa buhay ko ngayong araw ng Martes. Isip ... isip ... isip. Sa totoo lang ngayon ko lang napagdesisyunan kung ano mga ilang segundo pa lang ang nakakalipas. Ito na ... Nag - iisa subalit masaya.
Oo isa ako sa milyong - milyong babaeng walang asawa o boypren. Katulad ng kuwento ng iba nagkaroon din naman ako ng mga nagmahal sa akin at mga minahal ko rin. Take note mga ... kaya lang may mga pangyayaring nangyari kaya naunsiyame ang lovelife ko. Siguro di ko lang talaga destiny ang magkaroon ng partner. Matagal ko ng tanggap ito, pero noong una in denial pa ako hanggang noong 40 years old ako.
pero noong tumapak ako sa 41 niyakap ko na ng buong - buong na single na ko for life. Masasabi ko na mas masaya ako bilang single woman, bakit kanyo? Tingnan natin ang mga kagandahan ng pagiging single.
1. Sarili mo ang iyong oras. O di ba! Pwede ka umuwi kahit anong oras at gumising sa dulo ng linggo ng tanghali. Hawak mo ang iyong iskedyul.
2. Sarili mo ang iyong pera. Mas naeenjoy mo ang iyong sweldo malaki man ito o maliit. Nabibili mo ang iyong gusto. Pero di ko naman sinasabi na lustayin mo lahat ang sweldo mo sa loob ng isang araw lang no. Matutong magtipid para sa mga panahong malakas ang ulan.
3. May panahon ka sa iyong sarili. Dahil nga single ka may pagkakataon kang makilala ng husto ang iyong sarili. May pagkakataon ka para lakbayin ang kasuluksulukan at kadulu - duluhan ng iyong pagkatao. Dahil dito makikita mo ang iyong mga kalakasan at kahinaan at kung ano ang pwede mo pang gawin upang mas maging makabuluhan ang iyong paglalakbay sa mundong ito.
4. May panahon ka para sa iyong mga magulang, kamag - anak at mga kaibigan. May oras ka makipagbonding sa iyong mga minamahal sa buhay. Dekalidad ang oras na maibibgay mo sa kanila. Ang pokus ay nasa kanila lamang sa mga panahong kasama mo sila.
5. Mas pokus ka sa iyong trabaho. May kalayaan kang mas bigyan ng dedikasyong at pokus ang iyong trabaho at umangat. Kung nais mo namang maghanap ng "greener pastures" at biglang umiba ng direksyon wala kang pamilyang maapektuhan nito.
6. Paglalakbay.Kung gusto mong biglang magboracay bukas (kung may pera) ok lang, go ka agad.
Walang hassle kung biglang nagkayayaang pumunta sa ganito o ganyang lugar madali kang makakasama (syempre kailangan may budget ka rin).
7. May panahon kang pagmunihan kung ano ba ang talagang gusto mo sa isang makakasama sa buhay(kung GUSTO mo pang magkaroon ng kasama). Bilang isang single woman na hindi nagmamadaling mag - asawa o magkaboypren may pakakataon kang pag - isipan talaga kung ano ba ang nais mong mga katangian sa isang partner. Kailangan makilala mong una ang iyong sarili, malaman ang gusto at di mo gusto. Malinaw sa iyong isipan at puso ang imahen ng taong nais mong makasama sa buhay dahil dito makikita mo kaagad ang prinsipe sa isang grupo ng mga palaka, kaya di mo na sila kailangang isa - isang halikan.
8. Gawing ang nais mo sa iyong buhay. May kalayaan kang tahakin ang uri ng buhay na nais mo, abutin ang iyong mga pangarap. Gawin ang mga bagay na lalong magpapayaman sa iyong karanasan at kakayahan. Nasa kamay mo ang kalidad ng iyong buhay. Kaya ano pa ang iyong hinihintay gawing bonggang - bongga ang iyong single life.
Ayan ang mga advantages ng pagiging single para sa akin. Eh sino nga ba ang magpapasaya sa isang tao? Walang iba kundi SARILI mo rin. Sa ganang akin ang kasiyahan ay nagmumula sa iyong sarili, di dapat ito nagmumula sa mga materyal na bagay o sa presensya ng isang tao o mga tao. Marami ang naniniwala na kapag ako ay naging matagumpay sa isang relasyon, gawain, trabaho, paligsahan at kung ano pa magiging masaya na ako. Kailangan pala masaya ka na para maging matagumpay sa buhay kasi narinig ko ito sa isang monk "happiness generates success". Kaya kahit ako nag - iisa, masaya ang buhay ko. Alone but not lonely.

Hapi Tot # 1 ... salamat sa "sense of humor" ng kapatid ko
Ang pinakamamahal kong kapatid .... :)
Ang kapatid kong babae ang masasabi kong payaso sa buhay ko, napakatindi ng sense of humor nya. Sa mga panahong nalulungkot ako text - text kami at tiyak mapapawi ang pageemote ko. Tulad halimbawa noong August 22, kaarawan ng nanay namin dapat 71 years old na siya kaya lang pumanaw siya noong 2006 dahil sa stroke. Pagkatapos ng trabaho pumunta ko sa SM para bumili ng pink candles paborito kasi ng nanay ko ang kulay na pink. May nadaanan akong bakeshop,nakita ko ang isang maliit na cake, binili ko ito at inuwi sa bahay. Pagdating ko sa bahay nagbihis ko at pagkatapos sinindihan ko ang mga pink candles nilagay ito sa altar kung saan naroon ang mga litrato ng nanay ko at nilagay ko rin ang maliit na cake na binili ko. Sinindihan ko ang kandila sa cake at nanalangin para sa aking ina. Kinantahan ko siya ng "happy birthday". Nasumpunan ko ang sarili ko na umiiyak ... grabe ang kalungkutang nadama ko ng araw na iyon ... miss na miss ko ang nanay ko. Pumasok ako at tnext ko ang kapatid kong babae.
Ako: Kapatid iyak ako ng iyak now, miss na miss ko si mama sobra. bumili ko ng maliit na cake
tapos nagsindi ko ng kandila,sobra lungkot ko iyak ako ng iyak
Kapatid ko: Wag mo na masyadong isipin si mama nasa langit na yon. At least di ba masaya
na sya dun. Ang dapat nating gawin ngayon ipakita sa kanya na kahit wala na siya ay matatag at matapang tayong mga anak niya. Nakakalungkot nga dahil di na natin siya kasama pero sabi niya sa akin kahit malungkot o mahirap " life must go on." Di ba ... luv u ate.
Ako:Ty kapatid, bigla kasi yung surge ng sadness kanina mugto na nga mga mata ko. Pinost ko
sa fb yung pics niya tapos sumulat ko ng poem para mailabas ko ang sobrang lungkot ko.Tinitingnan ko kasi yung cake kanina tapos pumasok sa isip wala na pala akong nanay na
kakain noong cake ... doon ako umiyak nang umiyak.
Kapatid ko: Sana tnext mo ko para pumunta ako dyan at nilafang ko ang cake na yan :D hehehe
Gutom na gutom pa naman ako ngayon. Sige pahinga ka na laging sinasabi ni
mama magsmile ka lang kapag may suliranin ka. Ok sleep na sweet dreams.
Luv yah. mwah.
Pagkatapos kong basahin ang text ng kapatid tumawa ako nang malakas ... nawala ang lungkot napalitan ng ilang beses na pagtawa. Nasabi ko mama salamat at binigyan mo ako ng kapatid na tulad ni Bimbet. Hapi tot #1 Sister salamat sa pagbibigay mo ng kasiyahan at katatawanan sa buhay ko. Salamat sa iyong pagmamahal sa akin. Luv u much much sister. :)
Sunday, August 28, 2011
Pambungad na Pananalita
Tagal ko ring pinag - isipan kung ano ang gagawin sa blog na ito. Isasara ko na ba o pabayaan ko lang amagin. Pagkatapos ng pagdedebate namin ng utak ko, eto at napagkasunduan naming ituloy na lang. Ano ba ang isusulat ko? tungkol kaya saan? kadalasan pa nama'y wala ako sa mood dahil pagod sa maghapong pagkayod. English ba o Tagalog ang gagamitin kong wika? Sige tagalog na para mas madali kong maipahayag ang aking mga kaisipan at nararamdaman.
Susunod na tanong,eh tungkol naman kaya saan ang isusulat ko? Isip na naman ..... buhay .... tungkol sa buhay ko. May pagkakataon kasi (yung pagkakataon eh dumadalas) na nagkakaroon ako ng depresyon tungkol sa mga kaganapan sa buhay ko. Kulang ba sa kulay ... eh sino ba ang maglalagay ng kulay na ito? Lumingon ako sa kanan, sa kaliwa, sa likod .... wala naman akong kasama dito ... kaya AKO ang maglalagay ng kulay sa buhay ko (ang saya - saya diba). Kaya nagpagpasiyahan ko na sa bawat araw magsusulat ako ng isang positibong bagay tungkol sa buhay ko sa loob ng isang taon, nasa mood man ako o wala. Naisip ko siguradong sa bawat araw ng aking paglalakbay ay may magandang bagay na magaganap na magbibigay ng kasiyahan, ngiti at kulay sa akin at sa mga taong bahagi ng aking mundo. Kaya "wish me luck" ika nga na matapos ko ang sinimulan kong ito.
Anmi :)
Pahabol na mga salita ....
kuha to ng pamangkin ko bersiyon niya ng "full body shot" para daw di halata ang bilbil at "double chin" ko ;D he he he ... isa pa ... he

Subscribe to:
Posts (Atom)
Hapi Tot # 24 Problema o Challenge?
Magandang araw! Ang tagal ko na namang di nakapagsulat sa aking blog. Ano na ba ang ginagawa ko ngayon? Una sa lahat nagresign na ako sa tra...
-
Ola! Magandang araw :) Maaga ang naging bakasyon namin ngayon sa paaralang aking pinagtuturuan, nabigyan kami ng pagkakataong makapagretreat...
-
Tagal ko ring di nakasulat sa blog kong ito. Di ko nga alam kung may nagbabasa ba nito maliban sa akin. Kaya matagal akong absent eh, daming...
-
Tagal ko ring pinag - isipan kung ano ang gagawin sa blog na ito. Isasara ko na ba o pabayaan ko lang amagin. Pagkatapos ng pagdedebate nami...