Sunday, August 28, 2011

Pambungad na Pananalita

Tagal ko ring pinag - isipan kung ano ang gagawin sa blog na ito. Isasara ko na ba o pabayaan ko lang amagin. Pagkatapos ng pagdedebate namin ng utak ko, eto at napagkasunduan naming ituloy na lang. Ano ba ang isusulat ko? tungkol kaya saan? kadalasan pa nama'y wala ako sa mood dahil pagod sa maghapong pagkayod. English ba o Tagalog ang gagamitin kong wika? Sige tagalog na para mas madali kong maipahayag ang aking mga kaisipan at nararamdaman.
Susunod na tanong,eh tungkol naman kaya saan ang isusulat ko? Isip na naman ..... buhay .... tungkol sa buhay ko. May pagkakataon kasi (yung pagkakataon eh dumadalas) na nagkakaroon ako ng depresyon tungkol sa mga kaganapan sa buhay ko. Kulang ba sa kulay ... eh sino ba ang maglalagay ng kulay na ito? Lumingon ako sa kanan, sa kaliwa, sa likod .... wala naman akong kasama dito ... kaya AKO ang maglalagay ng kulay sa buhay ko (ang saya - saya diba). Kaya nagpagpasiyahan ko na sa bawat araw magsusulat ako ng isang positibong bagay tungkol sa buhay ko sa loob ng isang taon, nasa mood man ako o wala. Naisip ko siguradong sa bawat araw ng aking paglalakbay ay may magandang bagay na magaganap na magbibigay ng kasiyahan, ngiti at kulay sa akin at sa mga taong bahagi ng aking mundo. Kaya "wish me luck" ika nga na matapos ko ang sinimulan kong ito.


Anmi :)   




Pahabol na mga salita ....
 kuha to ng pamangkin ko bersiyon niya ng "full body shot" para daw di halata ang bilbil at "double chin" ko ;D he he he ... isa pa ... he 

1 comment:

Hapi Tot # 24 Problema o Challenge?

Magandang araw! Ang tagal ko na namang di nakapagsulat sa aking blog. Ano na ba ang ginagawa ko ngayon? Una sa lahat nagresign na ako sa tra...