Si Peter Pan pala ay kailangan mag-isip ng "happy thoughts" para makalipad kaya nawari ko sige magsulat nga ko ng mga "happy thoughts" ko para makalipad din ako ... he he he :)
Monday, August 29, 2011
Hapi Tot # 1 ... salamat sa "sense of humor" ng kapatid ko
Ang pinakamamahal kong kapatid .... :)
Ang kapatid kong babae ang masasabi kong payaso sa buhay ko, napakatindi ng sense of humor nya. Sa mga panahong nalulungkot ako text - text kami at tiyak mapapawi ang pageemote ko. Tulad halimbawa noong August 22, kaarawan ng nanay namin dapat 71 years old na siya kaya lang pumanaw siya noong 2006 dahil sa stroke. Pagkatapos ng trabaho pumunta ko sa SM para bumili ng pink candles paborito kasi ng nanay ko ang kulay na pink. May nadaanan akong bakeshop,nakita ko ang isang maliit na cake, binili ko ito at inuwi sa bahay. Pagdating ko sa bahay nagbihis ko at pagkatapos sinindihan ko ang mga pink candles nilagay ito sa altar kung saan naroon ang mga litrato ng nanay ko at nilagay ko rin ang maliit na cake na binili ko. Sinindihan ko ang kandila sa cake at nanalangin para sa aking ina. Kinantahan ko siya ng "happy birthday". Nasumpunan ko ang sarili ko na umiiyak ... grabe ang kalungkutang nadama ko ng araw na iyon ... miss na miss ko ang nanay ko. Pumasok ako at tnext ko ang kapatid kong babae.
Ako: Kapatid iyak ako ng iyak now, miss na miss ko si mama sobra. bumili ko ng maliit na cake
tapos nagsindi ko ng kandila,sobra lungkot ko iyak ako ng iyak
Kapatid ko: Wag mo na masyadong isipin si mama nasa langit na yon. At least di ba masaya
na sya dun. Ang dapat nating gawin ngayon ipakita sa kanya na kahit wala na siya ay matatag at matapang tayong mga anak niya. Nakakalungkot nga dahil di na natin siya kasama pero sabi niya sa akin kahit malungkot o mahirap " life must go on." Di ba ... luv u ate.
Ako:Ty kapatid, bigla kasi yung surge ng sadness kanina mugto na nga mga mata ko. Pinost ko
sa fb yung pics niya tapos sumulat ko ng poem para mailabas ko ang sobrang lungkot ko.Tinitingnan ko kasi yung cake kanina tapos pumasok sa isip wala na pala akong nanay na
kakain noong cake ... doon ako umiyak nang umiyak.
Kapatid ko: Sana tnext mo ko para pumunta ako dyan at nilafang ko ang cake na yan :D hehehe
Gutom na gutom pa naman ako ngayon. Sige pahinga ka na laging sinasabi ni
mama magsmile ka lang kapag may suliranin ka. Ok sleep na sweet dreams.
Luv yah. mwah.
Pagkatapos kong basahin ang text ng kapatid tumawa ako nang malakas ... nawala ang lungkot napalitan ng ilang beses na pagtawa. Nasabi ko mama salamat at binigyan mo ako ng kapatid na tulad ni Bimbet. Hapi tot #1 Sister salamat sa pagbibigay mo ng kasiyahan at katatawanan sa buhay ko. Salamat sa iyong pagmamahal sa akin. Luv u much much sister. :)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Hapi Tot # 24 Problema o Challenge?
Magandang araw! Ang tagal ko na namang di nakapagsulat sa aking blog. Ano na ba ang ginagawa ko ngayon? Una sa lahat nagresign na ako sa tra...
-
Tagal ko ring di nakasulat sa blog kong ito. Di ko nga alam kung may nagbabasa ba nito maliban sa akin. Kaya matagal akong absent eh, daming...
-
Ang pinakamamahal kong kapatid .... :) Ang kapatid kong babae ang masasabi kong payaso ...
-
Ola! Magandang araw :) Maaga ang naging bakasyon namin ngayon sa paaralang aking pinagtuturuan, nabigyan kami ng pagkakataong makapagretreat...
No comments:
Post a Comment